Tinatawagan ng Cruelty Free International ang mga kustomer ng The Body Shop sa Pilipinas para tutulan ang pagsubok sa mga hayop ng mga produktong pampaganda sa buong mundo

Sinimulan ng The Body Shop sa 50 na tindahan nito sa buong Pilipinas ang isang pandaigdigan na pangakong tutulan ang pagsubok sa mga hayop ng mga produktong pampaganda bilang bahagi ng kampanya ng Cruelty Free International, ang unang pangdaigdigang organisasyon na nakalaan para sa paghinto sa buong mundo ng paggamit ng mga hayop sa pagsubok ng mga produktong pampaganda. 

Ang pandaigdigang pangakong ito ay itataguyod sa mga tindahan ng The Body Shop na nasa 65 na bansa. Ito ang pinakamalaki at pinaka-ambisyosong kampanya sa ngayon na nagsisikap na tutulan sa sanlibutan ang paggamit ng mga hayop sa pagsubok ng mga produktong pampaganda. Bukod sa paghikayat na sumali ang humigit-kumulang na 275 milyong tao sa isang taon na bumibisita sa mga tindahan ng The Body Shop, ang Cruelty Free International ay makikipag-ugnayan rin para sa mga website ng The Body Shop na siyang pinupuntahan ng mga milyo-milyong kustomer taon-taon. 

Wala pang sanlibutang pagtutol sa mga pagsubok sa hayop ng mga produktong pampaganda. Kahit na sa pag-unlad ng mga ilang bansa at kumpanya, may mahigit pa sa 80% ng buong mundo ang nagpapahintulot ng paggamit ng mga hayop sa mga malulupit na mga eksperimento. Ang Cruelty Free International ay nakikipagtulungan sa mga pamahalaan, regulator, kumpanya at mga kaanib na organisasyon sa buong mundo.  Inilalagay nito ang usaping paggamit ng hayop sa pagsubok sa mga agenda ng maraming pamahalaan sa pinakaunang pagkakataon bilang bahagi ng pandaigdigang estratehiya para harapin ang pagsubok sa mga hayop ng mga produktong pampaganda.

Sinabi ni Paul McGreevy, Direktor ng International Values at R&D  ng  The Body Shop, “Naniniwala ang The Body Shop nang buong puso na walang hayop dapat ang mapaglupitan dahil sa mga hinihiling  ng mga pamahalaan at regulator ng batas sa buong mundo.  Kami ay may pangmatagalang pangako para sa usapin ito, at nakakalungkot na naniniwala ang maraming tao na nalutas na ang usapin ito kahit na hindi pa. Aming ipinagmamalaking sinusuportahan ang kampanya ng Cruelty Free International na matamo ang pagtutol sa buong mundo sa pagsubok sa mga hayop at hinihikayat ang bawat isang pumirma bilang pakikiisa sa kanilang pangakong ito sa aming mga tindahan!"

Sinabi ni Michelle Thew, Chief Executive, Cruelty Free International, “Ang The Body Shop ay dati nang kilala sa buong mundo para sa paninindigan nito na Labanan ang Pagsubok sa Hayop mula pa sa simula. Ang mga pagsusumikap nito ang nagbukas ng daan para wakasan ang pagsubok sa mga hayop, at nagagalak kami na nasa mga nasa Cruelty Free International, na sinusuportahan kami ng The Body Shop sa aming panimulang kampanya.” 

Ang pangako ng Cruelty Free International ay nasa mga tindahan sa Pilipinas at online sa www.CrueltyFreeInternational.org

 

Back to news articles